indulge me. let me write share this one... in my native Filipino.
bakit pag ikaw ang walang pera, ang pera ko ay pera mo.
bakit pag ikaw ang may problema, ang problema mo ay problema ko.
bakit pag ikaw ang may kaaway, hanggang huli, kampi lagi tayo.
bakit pag ikaw ang nahihirapan, para sa yo lahat gagawin ko.
pero ihip ng hangin biglang nagbabago, pag ako naman ang nangangailangan sa iyo.
pag masaya, pag maluwag... tayo, tayo.
pag bayaran na, pag problema na, ako na lang, solo.
sasabihin mo pa, di na tayo nagmature. are you sure?
palibhasa wala na naman akong pera, kaya ang tayo balik na naman sa ako.
wag kang magsalita, talo.
magsalita ka, talong talo.
tanggapin ko na lang kaya. ito ang kapalaran kong sadya.
magbayad ng utang, maghagilap ng pera, mamroblema, lumuha.
tama, wala nang magagawa.
di nga ko sinusuntok, di nga ko sinasampal.
pero bugbog pa rin ako, kahit saan ako lumugar.
sugatan ang puso, puno ng pasa.
wasak na ang pagkatao, matang wala nang iluluha.
dapat lagi na lang akong meron, para sa mata mo'y may halaga.
dapat laging nakangiti, malungkot ma'y wag pahahalata.
dahil pag wala akong pera, pag ako naman ang namomroblema
pag ako'y dapang dapa, yukong yuko
imbis damayan, anong maaasahan ko sa iyo?
drama, iyakan, tapos babaliktarin mo lang ako...
muli na naman akong makakarinig mula sa yo...
"bakit ako? lagi na lang ako?
Monday, February 11, 2008
bakit ako
Labels: in my native tongue
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment